Presenter's note:
AWTORIDAD/AUTHORITY - Ang sinumang tao na napagkalooban ng awtoridad ay may kapangyarihang magtalaga at magpatupad ng mga panuntunan. Ang pagkakaroon ng ganitong tungkulin ang nagbibigay ng karapatan sa taong may awtoridad upang mapanatili ang pagkakaisa, pagtutulungan, kapayapaan, disiplina at kapakanan ng mga taong nasasakupan upang makamit ang kabutihang panlahat.